December 18, 2013
Hindi ako mapakali. Panay ang tingin ko sa orasan. Kahit marami trabaho sa office, hindi ko maiwasan ang mainip dahil sa nais kong umuwi kaagad.
Birthday ko ng araw na iyon. Hindi naapprobahan ng Manager ko yung birthday leave ko. Maraming nakatenggang trabaho ang kailangang tapusin.
"Manlilibre ka ba ulet?" Tanong ni Jen isa sa mga workmates ko.
"Walang part 2. Nalibre ko na kayo kahapon noh" sagot ko.
"Oo nga pala inadvance mo na yung birthday treat mo kasi may lakad ka today. Uuuy sino kadate mo?" pangaasar ni Jen
"May lakad ako today with my Babe" sagot ng utak ko. Ginawa kong maaga ang birthday treat ko sa office dahil may surprise daw sa akin si Babe. Kahit tuloy ilang oras pa bago maguwian sobrang excited ko talaga.
"Babe go home safely. I have a surprise for you" text niya. Hindi ko alam kung ano ang sorpresa nya pero last month pa lang sinabihan ko na sya ayaw ko ng gagastos sya pag may date kame. Alam ko kasi na tumutulong sya sa kapatid nyang college student.
Nagmamadali ako umalis ng office at kaagad naman akong nakasakay ng Van papuntang San Pedro. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang iniisip ko kung ano kaya ang surprise nya sa akin.
"Babe im on my way" text ko sa kanya
"Sure Babe. See you there" reply nya. Last night sinabihan nya ako na imeet nya ako sa isang resto bar sa 12th street. Hindi ko pa napupuntahan yung place pero hindi naman daw mahirap hanapin.
Walang masyadong tao nung pagdating ko sa restobar and I saw him sa isang sulok. I was really surprised when I saw him with bouquet of roses. First time ko may nagabot sa akin ng roses. Unusual pero nakakakilig. Kasabay nun yung tatlong cupcakes na may nakasulat na "i love you". Halos mapaiyak ako. It was a heartfelt gift from him. Simple pero tagos sa puso.
"Dont cry Babe cupcake lang yan. Happy Birthday"
He hugged me and I hugged him back like we never care if someone is watching us.
"I love you Babe" bulong nya sa akin habang yakap nya ako ng mahigpit.
January 6-7, 2014
The day that I have waited since we became lovers. It was his birthday on the 7th so two months ahead pa lang nagfile na ako ng 2 days leave para isurprise sya. I got so lucky when it got approved.
We were not able to celebrate Christmas and New Year together because he needs to go back to Bulacan with his family. Mabuti na lamang dalawang beses kame nakapagsimba na magkasama sa church na malapit sa amin. Hinihintay niya ako makauwi galing sa trabaho para makapagsimba kaming sabay.
"Babe im sorry if i cant celebrate Christmas kasama ka. Si Mom kasi nagrequest na umuwi ako sa Bulacan para makasama sila" That's what he said 3 days bago magPasko.
Although its kinda sad but I accepted it because we should always prioritize our own family.
He promised naman na he would be back a day before his birthday.
Gustong-gusto ko sya isurprise. I'd wanted to make him feel na mahal na mahal ko siya in a way that I would not spend much. Sinabihan nya kasi ako na magdinner na lang kame for his birthday. Pero syempre gusto ko gawin ang araw na yun na ispesyal kahit simple.
January 6 pa lang naghanda na ako. I went to his apartment. Mabuti na lamang at meron akong spare key kaya nakapasok ako. 2 weeks na since nung umuwi sya ng Bulacan kaya naisip ko muna linisin ang apartment. Like what I expected from him lahat organize at walang msyadong kalat na naiwan. Nagpunas na lang ako ng sahig ng sala nya at naglinis ng banyo.
"Nakasakay na ako ng Bus. Im coming. Miss you Babe" It was already past 3 pm when i got his message. Naisip kong maggrocery muna at mamili ng pwede kong lutuin for his birthday. I admit his far better than me when it comes to cooking kaya naiimagine ko na ng mga oras na 'yon na sya ang magiinsist magluto.
Past 5 pm na nung nakabalik ako sa Apartment. Bigla akong nakaramdam ng pagod kaya naisip kong iayos kaagad yung pinamili ko at magpahinga muna sa kwarto nya.
Siguro dahil sa pagod nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. To my surprise, Babe was also sleeping beside me habang nakayakap sa akin. Nakita kong mahimbing siyang natutulog marahil sa pagod sa byahe.
8 pm na pala so I decided to woke up na lang para magluto ng dinner and again to my surprise may food na nakahain na sa mesa. May isang note pa syang iniwan sa akin. "Thanks Babe for cleaning the house. I LOVE YOU".
Nung nabasa ko yun parang gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. It was so sweet of him to cook knowing na pagod siya sa haba ng byahe. Parang gusto ko syang gisingin para yakapin ng mahigpit. Pero pinigilan ko ang sarili.
Ilang saglit na lang magaalas dose na. Bigla ko naalala ang oras kaya nagmadali muna ako lumabas ng bahay. Isa sa yun sa mga plano kong surprise for him.
An hour after pagkabalik ko sa apartment dumerecho ako sa kwarto nya at naabutan ko pa din siyang tulog na tulog. Pinagmasdan ko syang maigi. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nya ng matagal. Napangiti ako nung nalaman ko ding may nunal sya upper lip nya. "Kaya naman pala madaldal ka minsan Babe" bulong ko.
11:59, January 6 2014.
"Babe gising na po." Gising ko sa kanya. Siguro magaapat na beses ko din syang inalog alog para magising. So I thought of something that will surely wake him up. Nung ipapasok ko pa lang yung kamay ko sa shorts nya. "Babe what are you doin?" Sabi niya na nakapikit pa din. "Babe sige ka ikaw din magsisisi ka" sabi nya.
"Babe I was only trying to wake you up. Tumayo ka na jan bago pa masunog ang Apartment mo"
"Ha? What do you mean?!"
"Basta tumayo ka na jan"
We walk out of his room and he saw my surpise for him. Nakita nya sa dinner table yung isang maliit na candle na nakatusok sa isang mamon kasama ang food na niluto nya at Carbonara na kakaluto ko lang din.
"Babe im sorry ah dapat talaga cake yan eh pagdating ko sarado na yung RedRibbon. Good thing bukas pa yung bakery sa kanto kaya bumili na lang ako ng mamon. Di ba yun naman gusto mo ang magtipid----" bigla ako napatigil sa sinabi ko nang makita ko syang naluluha. Naramdaman kong natuwa sya sa ginawa ko. And Next thing I know we were kissing hard.
"Babe saglit. I think you should blow your candle first bago pa masunog 'tong Apartment mo"
No comments:
Post a Comment