Sept
1, 2012 3:00 AM
Malalim
na ang gabi maya maya lang sisikat na si haring araw. Hindi ko alam kung bakit
hindi ako makatulog. Ang utak ko lumilipad kung saan saan. Hindi mawari kung
bakit hindi ako dalawin ng antok. Parang ewan na nakatingin sa orasan.
Naalala ko yung Japanese film na
napanood ko just few weeks ago, sabi nila pagpatak ng alas-tres maraming
kababalaghan ang pwedeng mangyari tulad ng may multo na pwedeng magparamdam
sayo or worst bigla na lang sasambulat sa paningin mo. Bigla akong kinilabutan
sa iniisip ko. “Kung may multo man sa kwarto na ‘to please lang magpakita ka”
Parang sirang nasambit ko sa kawalan. Sampung minutong lumipas wala naming
lumalabas. Nasisiraan ata ko ng bait at hindi ko alam at bakit ako nagaabang ng
multong magpapakita sa akin. Siguro kailangan ko lang na may makakausap. Kung
ano anu n lang ang naiisip ko. Gusto ko malasing pero hindi naman ako marunong
uminom. I want to go out somewhere pero hindi ko alam kung saan naman. “Bahala
na si Batman” sabi ko sa sarili ko. Lumabas ako ng bahay naka black sando at
pajamas. Bago ko pa man buksan ang gate naming bigla ako nakaramdam ng lamig.
Dali dali ako bumalik sa kwarto ko para ko para kumuha ng jacket na nabili ko
sa Bench kahapon.
Nagsimula
akong maglakad at hindi ko alam kung saan ako patutungo. Samut saring bagay ang
bigla na lang bumabalik sa nakaraan ko. Nandyan yung pinagalitan ako ng boss ko
kahapon dahil hindi ko natapos yung pinapagawa nya on time. Naisip ko din yung
kinain ko kagabi na ewan ko ba hindi ko alam menudo o afritada yung niluto nung
kasambahay namin. Ilang sandali pa bigla ko na lang naisip yung pagkamatay ng
nagiisang kapatid ko. Biktima sya ng hit n run nangyari dun sa kanto malapit sa
amin. Dalawang taon na din nung nangyari ang bagay na yun. It was a tragic
experience for me. Sa umpisa nahirapan ako tanggapin ang bagay na yun pero
kinalaunan natanggap ko na din. Si Yuki ang nagiisang kapamilya ko. Ngayon
nakikitira na lang ako sa Lola ko kasama ang manyakis kong tiyuhin.
Hindi
ko namamalayan malayo na pala ang nalalakad ko mula sa bahay namin. Nasa tapat
na ako ng 7 11. Naisip kong bumili ng kape, coke o kung anuman ang madampot ko.
Papasok pa lang ako ng nabundol ako ng isang lalaking nakahood. Hindi ko alam
pero mukhang nagmamadali. Hindi ko na lang pinansin.
Lumabas
na ako ng 7 11. Naisip ko ng bumalik ng bahay at matulog. Tinignan ko yung
laman ng plastic na pinamili ko. Nagulat ako bakit may isang kahang Marlboro
lights sa plastic. Bigla ko naalala “Sir Yosi din ba? Marlboro Lights?” Inalok
pala ako nung boy dun sa counter and unconsciously tumungo na lang ako. “Hays
ano bang nangyayari sa akin?” Sambit ko sarili ko. I don’t smoke at lalong
ayoko nakakaamoy ng sigarilyo. May nakita
akong trashcan malapit sa tabi at akmang itatapon ang sigarilyo nang biglang
may nagsalita sa likod ko.
“Sir kung itatapon nyo ho yan
pwede bang hingin ko na lang sa inyo? Sayang kasi”.
Lumingon ako sa may likod ko at
nakita ko yung lalaking nakahood na bumanga sa akin kanina.
“Ngayon lang kita nakita dito.
Bago ka lang ba?”
“2 weeks na din siguro hindi lang
ako naglalalabas sa apartment ko. Taga Nueva Vizcaya talaga ako. Medyo napagod
na kasi ako saka nasasakal na ako sa parents ko.”
“Magisa na lang ako. Both of my parents dies 2 years ago at yung nagiisa kong kapatid just recently lang.”
“Sorry..” Malungkot na pagtugon nito
“Its ok. Thanks”
“Thank you din pala sa Yosi.”
“Bakit ka nga pala nagmamadali
kanina? “
“Ah ayun ba? Bibili sana ako ng
yosi kaso nalaglag ko yata yung pitaka ko kaya nagmadali ako. Mabuti na lang
nakita ko kagad”
“Magkano ba laman nyan?”
“ P100 saka ilang barya”
Napahagikhik ako nung nalaman ko
yun.
“Nandito kasi yung rosary na
bigay ni Lola bago sya namatay. Eto yung ginagamit nya palagi kapag may sakit
ako at pinagrorosaryo nya ako.” Pinakita nya yung black rosary na halata ang pagkakaantigo.
“Pasensya na hindi ko alam”
“Ayos lang. Ako pala si IAN”
“Jake” pakilala ko.
to be continued...
to be continued...
No comments:
Post a Comment