Tuesday, August 27, 2013

Multo sa Aking Tabi

Highschool pa lang ako hilig ko na ang pagsusulat ng Tula. Mapakahit anong genre. Pero siguro sa lahat ng tula na naisulat ko. Isa ito sa naging paborito ko. Naisulat ko sya mga 2 years ago na. Sa aking mga readers sana magustuhan nyo.


Multo sa Aking Tabi


Naglalakad sa pasilyo
Habang hithit ang sigarilyo
Patingin-tingin at nagmumuni
Dinig ang ibong humuhuni



Ako'y umupo sa isang tabi
Sana matapos na ang gabi
Panay ang hinga ng malalim
Sa ilalim ng punong madilim



Isa..dalawa..tatlong minuto
Tila sa tabi'y may MULTO
Mapupula kanyang mga labi
Mata'y matingkad kahit sa gabi



Ako sa kanya'y nagpakilala
Kahit utak ko'y nagwawala
Isa palang multong dalaga
May kagandahang mahiwaga



Sarili ko'y kinakalma
'Pagkat may magandang kasama
Tila malulusaw pati aking taba
'Pagkat paligid ay napuno ng kaba



Isang saglit nawala aking sigla
Dahil siya'y umiyak bigla
Tila ako'y naawa
At takot ay nawala



Siya'y aking kinausap
At akin ding inakap
Tila sumaya ang multong katabi
Ngiti'y pansin sa kanyang labi



Hangin ay lumalamig
Umiihip ng ibang himig
Puso ko'y umaawit
Sumayaw kahit nangangawit



Multo man siya sa aking tabi
Sana wag nang matapos ang gabi
Kahit lumiwanag pa ang ulap
Hangad siya's makausap



At ang gabi'y natapos
Lungkot ko'y bumuhos
Multo'y nagpasalamat
Nagpaalam, pagkat sa langit siya na ay aakyat

No comments:

Post a Comment