Si Mama at ang Pasta
Nagsimula na ang ber month kaya ang lamig ng hanging dumadampi sa aking pisngi. Ang bilis nga naman ang takbo ng oras parang kelan lang amoy ko pa ang paputok nung bagong taon. Parang tumatagos ang lamig sa suot kong jacket na nabili ko sa ukay ukay. Kakagraduate ko lang ng culinary arts at bukas magsisimula na ako magtrabaho sa isang Italian Restaurant. Sabi nung Italian Chef na naginterview sa akin kailangan ko daw magsimula bilang Kitchen Assistant. Kahit alam kong nasa akin ang skills at talent sa pagluluto walang atubiling tinangap ko ang alok ni Chef. Inisip ko na lang na kailangan kong magsimulang sanayin ang sarili ko sa kusina bago maging ganap na isang Chef.
Al Dente yung pangalan nung Italian Restaurant. Isang lugar na malaki ang naging papel sa buhay ko. Bahagi nito ang alaala ng aming magina. Naalala ko pa limang taon na ang nakakalipas. Dito naisipan ni Mama na magkita kame para magusap. Yun ang una naming pagkikita. Tatlong araw na kasi syang hindi umuuwi ng bahay. Hindi namin alam kung bakit nya ginawa yun. May mga tsismis na kumalat sa lugar namin na sumama na sya sa isang lalaking mayaman. Hindi ako naniwala sa mga narinig ko dahil alam kong hindi nya yun magagawa.
Nagmamadali akong lumabas ng public school na pinapasukan ko para makipagkita kay Mama. Mahigit isang oras na ata siya naghihintay. Malapit na ako sa kinaroroonan nya at nakita ko syang nakatayo bitbit ang isang malaking bag. Naawa ako sa lagay nya. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil alam ko malaki ang pinagdadaanan nya ng mga panahong yun. Alam ko sa pagkikita namin malalaman ko ang totoo. Biglang pumasok sa isipan ko yung tsismis sa lugar namin. “Paano kung totoo? Paano na kami nila Papa?” sigaw ng isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung mismo sa bibig ng aking Ina mapapatunayan kong totoo ang sabi sabi. Tinibayan ko ang aking loob. Bago ako lumapit sa kanya pinunasan ko muna ang mga luha ko sa aking mga mata. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Naisip kong huwag magpadalos dalos para hindi ko masaktan ang damdamin ni Mama.
“Mama!” tawag ko sa kanya. “Grabe ka anak kanina pa ako nakatayo dito naghihintay. Ano oras ba nagtatapos ang klase nyo?” tugon nya na medyo nakakunot ang noo.
Hindi kami gaano close ni Mama dahil madalas napapagalitan nya ako tuwing may nagagawa akong mali. Maling kibot ko lang pinapagalitan nya ako. Palagi ako napapagsabihan nya tuwing hindi ko nagagawa ng maayos ang utos nya. Tulad halimbawa kapag nangangamoy sabon pa din yung pingan na hinugasan ko. Madalas pinapaulet nya sa akin ang paghuhugas at ako naman padabog habang ginagawa iyon.
“Baliktad na ba ang panahon ngayon at nanay na ang lumalayas? Hindi ba dapat ako dahil palagi nyo ko pinapagalitan? Uwi na tayo Ma!” Hindi ko napigilan ang emosyon ko at iyon ang naibulalas ko.
“Hindi pwede anak. Patawarin mo ako. Para din to sayo” naging tugon nya. Alam ko pinipigilan ni Mama ang maiyak ng mga oras na iyon. Pinipilit nya ikubli sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman nya. Alam ko hindi nya gusto ang mawalay sa amin. At higit na alam ko na malalim ang dahilan kung bakit nya kailangan gawin iyon.
“Bakit ho ba kayo lumayas? Si Papa walang ginawa kundi hanapin ka. Mabuti na lamang ho at kelan lang may nagpahiram kay Papa na pang college tuition ko kundi baka mabaliw na sya sa bigat ng problema.”
Maluhaluha na ang aking Ina ng marinig nya yun sa akin. Sobrang mahal kasi ni Papa si Mama. Parang palagi silang bagong kasal tuwing naglalambingan sila. Kahit sa palengke parang mga teenager kung magPDA. Walang pakialam kahit palagi silang laman ng asaran sa lugar namin. Tuwing sahod ni Papa palagi siyang may bitbit na cake para kay Mama. Kaya mula noong umalis sya ng bahay wala ng ginawa si Papa kundi magmukmok sa harap ng bahay namin. Iniisip nya siguro kung ano ang naging pagkukulang nya.
Hindi sinagot ni Mama ang tanong ko. Sa halip tinanong nya kung kumain na daw ba ako. “Hindi pa po” naging tugon ko. “Halika mukhang masarap dito. Sabi ng mga kumare ko masarap daw ang pasta dito” pagyaya ni Mama sabay higit sa kamay ko.
“Ma, mahal jan. May pera ka ba?”
“Okay lang hindi naman tayo bibili ng may kamahalan. Pipili tayo ng pinakamura sa menu”
“Ayoko baka hindi tayo mabusog”
“Ngayon lang naman Anak gusto ko talaga tikman yung pasta nila.” Kahit kailan hindi pa kame nakakapasok sa ganong kagarbong restaurant. Tulad nya gusto ko din malaman kung ano ang pakiramdam habang kumakain sa restaurant na iyon at kung ano ang lasa ng kanilang pasta. Gustohin ko man alam ko walang masyadong dalang pera si Mama kaya pinilit ko na lamang sya na sa iba kumain.
“Ma saka na lang tayo kumain jan kapag kasama natin si Papa. Dun na lang tayo sa Jollibee mabubusog pa ako sa spaghetti nila.”
Iyon ang huling usapan namin ni Mama. Natuloy kami sa Jollibee. Kumain kami at kahit hindi maikukumpara ang kinain namin dun sa Italian Restaurant busog naman kami at hindi namin kailangang gumastos ng malaki para mabusog. Akala ko uuwi kami sabay. Pero hindi pala. Hindi ko din nalaman sa kanya ang dahilan ng paglalayas ni Mama. “Anak para ‘to sa kabutihan mo. Magaral ka ng mabuti ha.” Iyon ang huling naisabi ni Mama. Hinatid ako ni mama sa sakayan ng jeep papunta sa amin. Hindi ko mapigilan ang pagiyak habang untiunti nawawala sya sa aking paningin. Pinipilit kong intindihin na malaki ang rason kung bakit kailangang mapalayo sa amin si Mama dahil ramdam ko na masakit din para sa kanya.
Dalawang buwan ang lumipas wala kami naging balita kung ano ang nangyari kay Mama.Kung saan saan na kami nagtatanong tanong ngunit hindi namin nalaman ni Papa kung saan sya tumutuloy. Hanggang isang araw. Naganap ang pinakamalungkot na yugto ng buhay ko.
Paguwi ko ng bahay galing school. Nakita ko si Papa na umiiyak. Napakalakas ng hagulgol ng kanyang pagiyak. Katabi nya ang ilang bote ng beer. Unang beses ko syang nakita umiinom. Naging sobra ang pagkalungkot ni Papa. Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. “Hayaan mo Pa uuwi din si Mama sa atin. Alam ko kung nasan man sya maayos ang kalagayan nya.” Iyon ang naisabe ko sa kanya.
“Magbihis ka Anak. Pupuntahan natin ang Mama mo.”
“Talaga Pa? Alam nyo na kung nasaan sya?” Tuwang tuwa kong naitanong sa kanya. Sa wakas makakasama ko na sya ulet. Magiging kumpleto na kami ulet. Ipinangako ko sa sarili habang nasa byahe kami ni Papa na hinding hindi ko na bibigyan ng sama ng loob si Mama at magpapakabait ako. Hindi ko mapagilan ang maexcite dahil sa muli makikita ko siya.
Naalala ko yung Italian Restaurant. Konting ipon na lang madadala ko silang dalawa doon para ilibre. Ilang araw din ako nagtipid. Kalahati ng baon ko ay itinatabe ko para sa plano kung yun. Habang naglalakad kami ni Papa napansin panay ang pagiyak nya. “Pa bakit po kayo naiyak? Dapat nga matuwa kayo dahil magkakasama sama na tayo ulet.” Naitanong ko sa kanya. Bago ko pa man marinig ang pagtugon niya tumigil kami sa isang bahay. Nagtataka ako dahil sobrang daming tao. Halos lahat sa kanila ay kilala ko. Kung hindi mga kaibigan nilang magasawa ay mga kamaganak naman namin ang naroon. Puno ng pagtataka ang utak ko ng mga sandaling iyon. Nabalot ng kaba ang aking katawan lalo na ng makita ko ang larawan ni Mama sa tabi ng isang puting kabaong. Tila nanghina ako bigla at nawalan ng lakas aking mga paa at muntik na akong matumba. Nasalo ako ni Papa. “Pa? Patay na ba si Mama?” umiiyak na naitanong sa kanya.
“Anak lakasan mo ang loob mo. Makinig ka sa akin. Tinago nya sa atin ang sakit nyang cancer. Dalawang buwan na lamang pala ang taning nya. Ngayong umaga ko lang nalaman ang lahat nung nasa school ka pa. Hinintay muna kita makauwi dahil ko to kakayanin magisa” Nakikita kong pilit na pinalalakas ni Papa ang kanyang loob. Kahit nahihirapan at mabigat sa kanyang damdamin pinaliwanag nya sa akin ang lahat.
Nalaman kong ayaw ni Mama na ipaalam sa amin ang sakit nyang Cancer. Alam niya na magiging dahilan ito para hindi ako makapagaral sa college. Alam nyang ilalaan ni Papa ang perang pantuition fee ko para sa pagpapagamot sa kanya kung sakaling malaman namin ang sakit niya. Mas makakabuti raw kung gamitin ang pera sa pagaaral ko kaysa ubosin ang pera namin sa pagpapagamot sa kanya sapagkat alam din niya na wala ng pagasang gagaling pa sya.
Isang linggo ang nakalipas matapos mailibing si Mama binalikan ko ang Italian Restaurant kung saan kami huling nagkita ni Mama. Naalala ko yung panahon na pinipilit nya ako kumain dun. Napansin kong bakante ang mesa malapit dun sa bintana na kung titignan mo ay kita ang mga taong dumadaan. “May I ask your order please?” Tanong sa akin nung waiter na lumapit agad sa akin pagkaupo ko. “Yung pinakamurang Pasta po nyo. May kasama ako kaya pwede gawin mong 2 orders”
Ilang minuto lamang ay lumapit sa akin ang parehong waiter. Inilapag nya ang dalawang platong may lamang pasta at umalis din kaagad. “Ma, pagpasensyahan nyo na po yung nakayanan ko. Kain na po tayo”
Nanginginig ang aking mga kamay at tila hindi ko mahawakan ng maayos ang kubyertos. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang ako makakakain ng ganun. Tinikman ko ang pasta at tulad ng sabi nila napakasarap nito. “Ma, ang sarap pala neto” Kasabay ng aking pagkain ay ang mga luhang umaagos sa aking mga mata.
================END=================