Tuesday, August 27, 2013

Multo sa Aking Tabi

Highschool pa lang ako hilig ko na ang pagsusulat ng Tula. Mapakahit anong genre. Pero siguro sa lahat ng tula na naisulat ko. Isa ito sa naging paborito ko. Naisulat ko sya mga 2 years ago na. Sa aking mga readers sana magustuhan nyo.


Multo sa Aking Tabi


Naglalakad sa pasilyo
Habang hithit ang sigarilyo
Patingin-tingin at nagmumuni
Dinig ang ibong humuhuni



Ako'y umupo sa isang tabi
Sana matapos na ang gabi
Panay ang hinga ng malalim
Sa ilalim ng punong madilim



Isa..dalawa..tatlong minuto
Tila sa tabi'y may MULTO
Mapupula kanyang mga labi
Mata'y matingkad kahit sa gabi



Ako sa kanya'y nagpakilala
Kahit utak ko'y nagwawala
Isa palang multong dalaga
May kagandahang mahiwaga



Sarili ko'y kinakalma
'Pagkat may magandang kasama
Tila malulusaw pati aking taba
'Pagkat paligid ay napuno ng kaba



Isang saglit nawala aking sigla
Dahil siya'y umiyak bigla
Tila ako'y naawa
At takot ay nawala



Siya'y aking kinausap
At akin ding inakap
Tila sumaya ang multong katabi
Ngiti'y pansin sa kanyang labi



Hangin ay lumalamig
Umiihip ng ibang himig
Puso ko'y umaawit
Sumayaw kahit nangangawit



Multo man siya sa aking tabi
Sana wag nang matapos ang gabi
Kahit lumiwanag pa ang ulap
Hangad siya's makausap



At ang gabi'y natapos
Lungkot ko'y bumuhos
Multo'y nagpasalamat
Nagpaalam, pagkat sa langit siya na ay aakyat

101 Days with Him (part1)



                Sept 1, 2012 3:00 AM

                Malalim na ang gabi maya maya lang sisikat na si haring araw. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang utak ko lumilipad kung saan saan. Hindi mawari kung bakit hindi ako dalawin ng antok. Parang ewan na nakatingin sa orasan. Naalala  ko yung Japanese film na napanood ko just few weeks ago, sabi nila pagpatak ng alas-tres maraming kababalaghan ang pwedeng mangyari tulad ng may multo na pwedeng magparamdam sayo or worst bigla na lang sasambulat sa paningin mo. Bigla akong kinilabutan sa iniisip ko. “Kung may multo man sa kwarto na ‘to please lang magpakita ka” Parang sirang nasambit ko sa kawalan. Sampung minutong lumipas wala naming lumalabas. Nasisiraan ata ko ng bait at hindi ko alam at bakit ako nagaabang ng multong magpapakita sa akin. Siguro kailangan ko lang na may makakausap. Kung ano anu n lang ang naiisip ko. Gusto ko malasing pero hindi naman ako marunong uminom. I want to go out somewhere pero hindi ko alam kung saan naman. “Bahala na si Batman” sabi ko sa sarili ko. Lumabas ako ng bahay naka black sando at pajamas. Bago ko pa man buksan ang gate naming bigla ako nakaramdam ng lamig. Dali dali ako bumalik sa kwarto ko para ko para kumuha ng jacket na nabili ko sa Bench kahapon.
                Nagsimula akong maglakad at hindi ko alam kung saan ako patutungo. Samut saring bagay ang bigla na lang bumabalik sa nakaraan ko. Nandyan yung pinagalitan ako ng boss ko kahapon dahil hindi ko natapos yung pinapagawa nya on time. Naisip ko din yung kinain ko kagabi na ewan ko ba hindi ko alam menudo o afritada yung niluto nung kasambahay namin. Ilang sandali pa bigla ko na lang naisip yung pagkamatay ng nagiisang kapatid ko. Biktima sya ng hit n run nangyari dun sa kanto malapit sa amin. Dalawang taon na din nung nangyari ang bagay na yun. It was a tragic experience for me. Sa umpisa nahirapan ako tanggapin ang bagay na yun pero kinalaunan natanggap ko na din. Si Yuki ang nagiisang kapamilya ko. Ngayon nakikitira na lang ako sa Lola ko kasama ang manyakis kong tiyuhin.
                Hindi ko namamalayan malayo na pala ang nalalakad ko mula sa bahay namin. Nasa tapat na ako ng 7 11. Naisip kong bumili ng kape, coke o kung anuman ang madampot ko. Papasok pa lang ako ng nabundol ako ng isang lalaking nakahood. Hindi ko alam pero mukhang nagmamadali. Hindi ko na lang pinansin.
                Lumabas na ako ng 7 11. Naisip ko ng bumalik ng bahay at matulog. Tinignan ko yung laman ng plastic na pinamili ko. Nagulat ako bakit may isang kahang Marlboro lights sa plastic. Bigla ko naalala “Sir Yosi din ba? Marlboro Lights?” Inalok pala ako nung boy dun sa counter and unconsciously tumungo na lang ako. “Hays ano bang nangyayari sa akin?” Sambit ko sarili ko. I don’t smoke at lalong ayoko nakakaamoy ng sigarilyo.  May nakita akong trashcan malapit sa tabi at akmang itatapon ang sigarilyo nang biglang may nagsalita sa likod ko.

“Sir kung itatapon nyo ho yan pwede bang hingin ko na lang sa inyo? Sayang kasi”. 
Lumingon ako sa may likod ko at nakita ko yung lalaking nakahood na bumanga sa akin kanina. 

               

“Ngayon lang kita nakita dito. Bago ka lang ba?”
“2 weeks na din siguro hindi lang ako naglalalabas sa apartment ko. Taga Nueva Vizcaya talaga ako. Medyo napagod na kasi ako saka nasasakal na ako sa parents ko.”
“Magisa na lang ako. Both of my parents dies 2 years ago at yung nagiisa kong kapatid just recently lang.”
“Sorry..” Malungkot na pagtugon nito
“Its ok. Thanks”
“Thank you din pala sa Yosi.”
“Bakit ka nga pala nagmamadali kanina? “
“Ah ayun ba? Bibili sana ako ng yosi kaso nalaglag ko yata yung pitaka ko kaya nagmadali ako. Mabuti na lang nakita ko kagad”
“Magkano ba laman nyan?”
“ P100 saka ilang barya”
Napahagikhik ako nung nalaman ko yun.
“Nandito kasi yung rosary na bigay ni Lola bago sya namatay. Eto yung ginagamit nya palagi kapag may sakit ako at pinagrorosaryo nya ako.” Pinakita nya yung black rosary na halata ang pagkakaantigo.
“Pasensya na hindi ko alam”
“Ayos lang. Ako pala si IAN”
“Jake” pakilala ko.

to be continued...


Love Story Diary (part 1)


July 19, 2013

-he messaged me with his number so I called him. That was our first conversation. We spoke for few hours. (Thanks sa unli call ng Globe hehe) An saya nya kausap at ang gaan ng pakiramdam habang kausap sya. We talked about our line of work, our interests, past love lifes, our lives. Kausap ko sya buong gabi na para ng walang bukas.
Before we say goodbye, I decided to ask him for a meetup.

July 20, 2013

-Naging constant yung texting namin. Kahit bawal ang cellphone sa office while working, nagnanakaw ako ng panahon just to reply to his sweet messages. Tinatawag nya na akong kasawa kaagad haha and I find it sweet.
-I asked him to have a dinner with me.After work, I met him somewhere in Pacita around 8pm. From his place at Sta. Rosa ngbyahe pa sya papunta Pacita.
- For the first time I laid my eyes on him, I said "sya na..." At first sobrang tahimik nya. Nahihiya. Pero katagalan naging komportable na kame. Ang sarap nya kausap.
-Kahit medyo mabilis sinabi ko sa kanya na gusto ko sya. Natuwa sya sa sinabi ko. He said he feels the same way. Hearing that from him was unexpected. I thought he would gonna reject me..
-Wala sa plano pero niyaya ko sya uminom ng beer sa BigCha. Lalo ko pa sya nakilala. Nagparequest pa ako ng song sa band dun sa bar na kantahin nila yung "Akoy Sayo" ..I dedicated the song for him and he smiled
-Before 11 pm we decided to go home. Nakasama ko sya for 4 hours din mahigit,
-Hinatid ko sya sa labasan and habang nakasakay kame sa tryk ..he kissed me. Nagulat ako, ..and i kissed him back. Wala na akong pakialam kung may makakilala sa akin. I felt love. Sobrang saya ko
-We became officially partners that day


July 21, 2013

-Same routine kahit nasa office ako I kept on replying to his messages. Nagpupunta pa ako kunwari sa restroom para lang tawagan sya.
-I asked him to have dinner again with me. Thats the first day na makakasama ko sya as my lover.


July 23, 2013

-Nagapply sya sa BPO na pinapasukan ko. Kahit hindi naging maganda ang results. Hinintay nya ako matapos ang shift ko. He waited for 4 hours. Hindi biro ang maghintay ng ganung katagal. Sobra ko naappreciate nung ginawa nya yun.
-Inabangan nya ako pagkagaling ko office at sabay kaming umuwi.
-Habang nsa jeep kame nagulat ako kasi inakbayan nya ako. Nakakatawa kasi nakatitig na yung mga ksabay namin sa jeep. Hindi ko makalimutan yung reaction ni Ate na katapat ko haha. Wala akong pakialam kahit nakikita nila kameng malambing. Unang beses ko ding ginawa na makipaglambingan sa same sex sa public place.
-While on our way, I decided to go with him at umuwi sa apartment nya. Hindi ako nagpaalam sa bahay namin
-Sobrang maasikaso nya. Ayaw nya magpatulong sa pagluluto. He just asked me to wait for him on his room.
-Sabay kameng kumain ng dinner ulet parang magasawa,
-We had our first night....

Aug 01, 2013

-5 days since nung huli naming kita. Akala ko di na matutuloy because of the heavy rain but my prayer was answered natuloy yung date namin
-We went to Alabang to have our movie date. "Pacific Rim" was our first movie ever. Holding hands at akbayan while watching. Before I used to watch movie alone but I guess not anymore. Ang saya manood ng movie habang kasama mo ang mahal mo. We also had our pigout. Sobrang dami namin kinain.
-Walang katapusan ang asaran at kulitan. We went home with smiles on our face.
-I cant wait for my next day with him.


Aug 11 2013

-Nasa bahay lang ako magisa. Medyo malungkot kasi namimiss ko sya so I decided to go to his Apartment. Gusto ko sya isurprise kasi alam nya may pasok ako nung araw na yun hindi nya alam pinilit ko talaga ang boss ko na bigyan nya ako ng isang araw na paid leave. I was grateful that my boss grant my request.
-Malapit na ako sa apartment niya ng biglang umulan ng malakas. I was caught off guard hindi ko man lang naisip na baka umulan.
-I was all wet dahil sa ulan. Alam ko pagagalitan nya ako kung makikita nyang nagpaulan ako.
-I got surprise nang nasa likod nya ako at may dalang payong. Nakakatawa ako pa pala yung nasorpresa.
-"Ano bang gagawin mo kung wala ako?" He asked me. I laughed. "Ang yabang para saan pa yang payong mo kung basang basa na din ako ng ulan?" and then he laughed.
-Tinupi nya ulet yung payong and then he said "Matagal na akong di nakakaligo sa ulan. Masaya ako kasama kita. Thanks sa surprise visit hon" and then nagulat ako ng niyakap nya ako. Niyakap ko din sya. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa amin. Hindi ba masaya mabasa ng ulan kung ganto eksena ang mararanasan mo. Naging napakasaya ako hindi namin alintana na palakas na ng palakas ang pagulan.



to be continued..........................